(Ganito magiging buhay mo sa Ob-Gyn, mahahawa ka sa kabaliwan ng mga residente. Isinulat ko ito after ng first duty ko as a med student at ang pinakaunang rotation ko ay Ob-Gyn)
First time ko po...
Na makahawak ng pepe ng buntis. Nakakatakot...ang laki ng butas.
"O, Lawrence what is the IE of the patient? Ha, ma'am ano po iyon?
Nanay, hubad na po ng panty, higa na po tayo sa table? Whatz? Sounds manyakis.
Don't forget to wear your gloves. Mommy pasok ko na po itong hand ko into your pepe. Spread the labia majora, enter the finger. Palpate for Adnexal Chuchu, make tantya da cervical dilatation and effacement. Is the there a ballotable structure? Huwatt? Para daw balloon na may tubig. Yes ma'am meroon po!!! Oh my gulay ulo na ng bata iyon ah.
So the mother is in labor and i'm going to deliver the baby! Yahoo! Insert IV line - oops, first try failed, second try failed, third try (pawis-pawisan na ako! Damn that vein!) Shoot! Flowing! ADMISSION!!!!
Mommy, don't make iri on the stretcher!!! Lipat na sa delivery table huwag iiri. Kawawang mga nanay.
Hinga ng malalim, iri, 1,2,3,4...10, dahan-dahan ang bawi. Ulit 1,2,3... Ready your hands. Crowning...Twist and turn the baby. Clamp ang cord. Milk-milk-milk. BABY OUT!!!
Wait for the placenta. PLACENTA OUT!!! Ma'am schultze po!
And one thing na makakapagpapagaan ng loob mo ay ang mga nanay na nagpapasalamat sa iyo. "Mommy, pa-iced tea ka naman." =)
No comments:
Post a Comment