|
Sunset Bacuit Bay |
Dalawang taon ng pagpaplano. Matapos kong iwanan ang trabaho sa paraiso ng El Nido upang magpakaprosti sa buhay ng ospital, nangako akong babalik sa isla bilang isang turista. Pumunta mang Singapore ang aking buong pamilya (at dahil di rin naman ako nakapag-asikaso ng passport), mas pinili kong magpaiwan at mag-isang maglakbay kasama ang isang malaking backpack, at ang aking kaibigang camera.
Hindi ko pa napuntahan ang Puerto Princesa noong ako'y nasa El Nido sapagkat ang sosyal na eroplano galing Soriano ay deretso sa sosyal na paliparan ng El Nido. Gamit ang nagkukumahog na pondo na ninakaw ko lang sa kakarampot na sweldo ko sa PGH, naghanap ako ng mga pinakamurang flight, tirahan, kainan at kasama na rin ang kakapalan ng mukha sa panghihingi ng mga discount.
Masarap magbiyahe mag-isa...uhmm kasama ko pala ang aking camera. Di mo kailangang gahulin ang oras sa paghihintay sa iyong kasama. Di mo kailangang isipin kung ano ang kakainin at saan kakain. Pwede kang gumawa ng kasalanan na walang makakaalam (ooops). Magmuni-muni ka, tumingin sa malayo, tumahimik at magiging payapa ang iyong isipan. At lahat ng ito'y magagawa mo sa Palawan haluan mo pa ng mga pinakamagagandang tanawin.
Sobrang napamahal na sa akin ang Palawan. Ang manirahan dito ay laging kasama sa aking listahan at lalo na ang magsilbi bilang doktor.
Puerto Pension Inn: Tribu Resto and viewdeck
Butterfly farm
Crocodile farm
Tindera ng Buwaya
Ihawig gabaldon
Dancing preso
Rancho Mitra overlooking Honda Bay
Rancho Mitra
Lato Salad, Kalabasa soup at syempre ang Beer
Teppanyaki bottomless
Japanese dinner
Puerto Pension Inn
El Nido Church
El Nido Town Center
El Nido Eskinita
Aplaya
Morning view of Cadlao
Cadlao and banca
Fish and Chips
El Nido Nightlife
Bakawan
Boatman
slice through
Cadlao
Miniloc cottages
Water cottages
Big Lagoon
Big Lagoon entrance
Miniloc snorkeling area
Miniloc beachfront
Big Lagoon Mangrove
Speedboat ride big lagoon
with El Nido people
going back to Puerto Princesa
Hotel Centro facade
Ka Lui
Sabang
Sabang port
Sabang beach
Underground
Sheridan beachfront
Sheridan pool
Fish in mango ginger sauce
Butterfly gypsy
Crocodile farm
El Nido Elementary school
My friend Armi (Miniloc Resident Manager ;P)
with Kath at Ka Lui